bakit kailangan magsinungaling??
lies..lies..lies..bakit kailangan pang magsabi ng kasinungalinangan??..para lang hindi masaktan ang taong pinangakuan?..para matapos na ang usapan?..madaming dahilan kung bakit nagsisinungaling tayo at nagbibitaw ng pangakong medyo malabong mangyari..sana hindi nasanay ang mga tao sa ganitong gawain..sana walang taong umaasa at kumakapit sa pangakong malabong mangyari..kasi masakit mabigo at umasa sa wala..kapag pinangakuan ka kasi masaya ka pero kapag hindi natupad para kang hinulog galing sa langit…masakit, sobrang sakit…kaya sana maging totoo na lang tayo sa ating mga sinasabi..kapag bibitaw ng pangako siguraduhing kaya natin itong panindigan…sana bumalik na ang "palabra de honor" na pinangangalagaan natin noon…mas mabuti na ang magsabi ng totoo kaysa sa pangakong malaki ang posibilidad na mabibigo…dahil ang pangako ay may malaking bahagi ng ating pagkatao at ng taong pinangakuan…isang mapagpalayang araw sa inyo!!!!!;)